UE RED TRIBE
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Dito lang sa Pinas!

2 posters

Go down

Dito lang sa Pinas! Empty Dito lang sa Pinas!

Post by icemint Fri Apr 01, 2011 1:21 am

Dito lang sa Pinas:

1. Na ang isang general na inakusahan na nagnakaw ng pera ay nagsuicide ay halos bigyan pa ng media tribute. Naging hero pa.

2. May Congressman na drug-user. May Governor na jueteng lord. At magtatay pa.

3. Na may isang provinsya na isang clan lang ang nasa halos lahat ng matataas na posisyonsa gobyerno. Halimbawa: Ilocos Sur, Governor, Congressman, Vice-governor, Mayor at Vice-mayors - Singsons.

4. Na pag iniimbestigahan sa Senado ang mga alleged personalities ay biglang nagkakasakit at minsan ay naoospital pa. Classic example - Jocjoc Bolante and Ret. General Ligot. At nakakalusot sila!

5. Na pag may imbestigasyon sa Senado, nagtatawanan at nakukuha pang magjoke ng mga iniimbestigahan at sumagot ng pilosopo. Calling Ms. "Valium" Ligot.

6. Kung san may mga pulitikong kaaway mo ngayon, kaibigan mo bukas.

7. Kung san ang mga naglalakihang muka ng pulitiko ang nakikita mo sa mga tarpaulin ng isang government project. Napadaan ka na ba sa Maynila? Bawat poste dun may muka nung babaeng pulitko.

8. Kung san mo makikita ang pangalan ng mga pulitiko sa waiting shed, overpass, footbridge, tolda para sa lamay ng patay, tshirt at bag ng elementary students, kulang na lang pati brief ko magkaroon ng pangalan ng pulitiko.

9. Kung san may isang senador na nagtago sa isang non-bailable offense ay nakalabas ng bansa ng kanselado ang passport. Pagbalik sa Pinas, nagpapresscon pa at sya pa ang lumalabas na biktima! Kung san may isang senador na artista, senador na nakulong na sundalo, na senador na illitirate, senador na mahilig magsinugaling(ay redundant na pala ang senador at sinugaling, well most of them are). Kung san may magnanay na senador ng sabay.

10. Kung san ang mga sundalo sa opisina ay nakahiga sa pera, at ang mga sundalo sa giyera ay nakahiga sa lupa.

11. Kung san ang mga drug mules ay nakakalusot sa airport nang hindi nahuhuli pero pagdating sa abroad huli kagad.

12. Na ang pagkakulong ng mga Pilipino sa abroad ay sinisisi sa gobyerno.

13. Na ang unlitext ay may limit pala. Pag sumobra ka na sa pagttext ay mabblock ka for that day. Hello Globe.

14. Kung san mas masaya pang manuod ng commercial kesa sa mga palabas sa primetime.

15. Kung san ang mga bida at kontrabida sa primetime ay nabaril na, nasabugan na, nasagasaan na, akala mo patay na buhay pa pala.

16. Kung san ang ibig sabihin ng Red sa stoplight ay "sige diretso mo pa".

17. Kung san ang mga tao ay takot sa pulis at traffic enforcers.

18. Kung san ang mga balita ay paulit ulit. Mula umaga, hanggang hapon hanggan gabi, minsan kinabukasan un pa din ang balita.

19. Kung san ang balitang "Si artistang xxx naaksidente!". Yun pala nadapa lang. Bwisit!

20. Kung san ang unibersidad kung san ka nag-aral ay nagiging pamantayan ng pagtingin sayo ng ibang tao. At may nalalaman pa silang BIG THREE o minsan BIG FOUR pa.

21. Kung san ang mga taong hindi naman kagandahan ang boses ay may sariling album. Hello Ann and Willie!

22. Kung san mas mahal pa ang kape sa gas.

23. Kung san pag hindi ka magaling sa banyagang wikang Ingles ay pagtatawanan ka.

23. Kung san ang dami-daming ID. Driver's License. Postal ID. SSS ID. TIN ID. Philhealth Id, etc. Pag expired na hindi na valid! Mag-iiba ba ng pangalan at itsura mo pag expired na ID mo?

24. Kung san bago ka makapasok ng trabaho ay kailangan mo ng Barangay Clearance, Police Clearance, NBI Clearance. Hindi ba pwedeng NBI clearance na lang?Kailangan pa pala ng Mayor's permit! Anung sense?

25. Kung san ang Vagina at Penis ay pwedeng banggitin sa TV at Radyo pero ang Filipino translations ay hindi.

26. Kung san ang ang fast sa fastfood ay nagiging past na lang.

27. Kung san pag nakakasagasa ang bus drivers ay inaatrasan pa nila ang nasagasaan.

28. Kung san ang may sala ay napapawalang-sala; at ang mga walang sala ay nagkaka-sala.

29. Kung san ang isang artistang babae na tumakbo bilang board member sa Laguna at ang nilagay na isa sa kanyang achievement sa flyers ay: "Most behaved in Grade 3". Angelica Jones behave ka ba?

30. Kung san pag eleksyon maraming ginagawang kalsada, kahit saan ka mapunta, tiyak yun!

31. Kung san ang pagbyahe mo sa isang kanto ng Las Pinas ay mas matagal pa kesa sa pagbyahe mo kesa sa buong Tarlac.

32. Kung san ang ibang artista ay walang talent.

33. Kung san ang pera may tao. Ang tao walang pera. lols.

34. Kung san ang pagffacebook ay mas importante kesa sa pagsisimba at pagpasok sa eskwela.

35. Kung san ang pag-asasawa ng artista ng marami ay normal. Pero sa ordinaryong tao ay isang imoralidad.


itutuloy...
icemint
icemint
Admin

Posts : 1943
Join date : 2009-10-06

Back to top Go down

Dito lang sa Pinas! Empty Re: Dito lang sa Pinas!

Post by 8yrstudent Tue Apr 12, 2011 3:49 pm

- kung saan nagpapatayan ang politiko tuwing election.
- kung saan may politikong nahatulan mabilanggo sa kasong rape pero naihalal pa sa pwesto.
- kung saan pag nakasagasa ka ng tao na tumatawid sa maling tawiran, ikaw pa kakasuhan.
- kung saan ang commercial ads ay mas marami pa kaysa palabas sa tv.
- kung saan mataas ang tax rate, mahal ang kuryente atbp.
- kung saan mabagal ang proseso pag asikaso ng mga papeles at docs sa government offices.

marami pa, magiisip pa ako...
8yrstudent
8yrstudent

Posts : 15
Join date : 2011-03-17

Back to top Go down

Dito lang sa Pinas! Empty Re: Dito lang sa Pinas!

Post by icemint Wed Apr 13, 2011 4:51 am

Sa US, pag nakasagasa ka ng taong tumawid sa maling tawiran, kaw pa ang magdedemanda sa kanya.

Sa US, ang income tax ay lumiliit habang lumalaki sweldo mo, dito lumalaki ang tax mo habang lumalaki sweldo mo. Parang bawal dito magsipag para tumaas ang sweldo. Parang paparusahan ka pa pag tumataas sweldo mo haha
icemint
icemint
Admin

Posts : 1943
Join date : 2009-10-06

Back to top Go down

Dito lang sa Pinas! Empty Re: Dito lang sa Pinas!

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum